Singil sa kuryente, posibleng tumaas ngayong Disyembre

POSIBLENG tumaas na naman ang singil sa kuryente sa buwan ng Disyembre kung maaaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang hiling ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na singilin na sa mga consumer ang kabuuang P45.6 billion na Maximum Annual Revenue (MAR) at Performance Incentive Scheme (PIS) adjustments para sa susunod na taon.

Batay sa sulat ng NGCP sa ERC, nais nang kunin ng private concessionaire ang P44.978 billion na singil sa MAR  para sa taong 2013 at P6.42.08 million na PIS at system operator at metering service
provider charges.

Matatandaang nitong nakaraang taon, inaprubahan ng ERC ang P40.35 billion na MAR para ngayong 2012 na aabot sa P0.6438 per kilowatt hour ang siningil sa mga consumer.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply