Sinseridad ang sikreto ng tagumpay!

HINDI kami maka-move-on sa napakagandang opening ng second anniversary presentation ng ‘Wil Time Big Time‘ ng TV5 nung Sabado.

Umabot ito ng 15 minutes at talaga namang pinaghandaan ang production number nina Arci Munoz, Eula Caballero, Meg Imperial, Kristel Romero, Mocha Uson, Wendy Valdez, Luningning, Milagring, Mariposa, Sexbomb Jopay, Aira at Sandy kasama ang Talentadong Pinoy winner na si Astroboy.

Maging si Willie Revillame ay natuwa sa opening number at balitang dinoble niya ang TF ng mga ito.

Lalo pang bumongga ang anniversary presentation dahil kumanta ang paborito ni Wil na si Basil Valdez at Lani Misalucha. Dumating pa ang host ng Amazing Race Pinoy Edition na si Derek Ramsay.

Kumanta rin sina Nina, Luke Mijares at Bugoy Drilon.

Umulan talaga ng pera nu’ng Sabado. Ultimong mga press people na nandoon ay nakasali sa mga simpleng tanong sa programa at pag nasagot mo wagi ka agad ng 10k, 20 K at meron pang 50 thou.

October 23 ang talagang 2nd anniversary ng ‘Wil Time Big Time’ ng TV5. At isang sikreto kaya nagtatagal ang show ni Willie Revillame ay wala siyang bitbit na sama ang loob sa anumang istasyon.

“Wala naman akong personal sa kahit anong istasyon, e! Wala naman akong galit. Wala naman akong bitterness. Ganoon lang talaga ang buhay, sometimes ‘yung desisyon mo nagbabago kasi iniisip mo ‘yung buhay mo at kinabukasan mo, e!,” deklara niya.

Bukod rito, kuha ni Willie ang pulso ng masa. Mahirap raw siyang pantayan dahil kuha niya ang puso ng mga Pilipino.

“Alam mo, wala namang pantayan diyan, e! Alam mo dapat sincere ka sa ginagawa mo. Kahit ako o sinuman ang gagawa niyan, dapat walang kapantay, dapat sinseridad. Hindi ‘yung on camera ka lang tumutulong,” sambit niya.

Kumusta naman ang health ni Wil dahil kamakailan ay absent siya sa show?

“Okey lang naman. Hindi… namamalat lang ako. Kasi, ayaw kong biglain kasi baka one week akong huminto, sayang ‘yun kaya paminsan-minsan.. sana maintindihan ng mga tao. Siguro kung ituluy-tuloy ko, mawawala ‘yung boses, e!

“Pero honestly, ang gagaling na rin ng mga hosts natin, a! Even  Mariel (Rodriguez) ha, may confidence na ako kay Mariel,” bulalas pa niya.

Yes, kahit absent si Kuya sa show ay maasahan niya si Mariel bilang host.

At napapansin na rin ang iba pa niyang co-hosts gaya na lang ni Lovely Abella na dating dancer ng show, todo giling, sumisirko-sirko, nagi-split pero ngayon hataw na sa pagho-host. Tamang choice naman siya ni Kuya dahil habang pinapanood namin siya nu’ng Sabado ay talagang nag-improve siya sa pagho-host.

Tinanong din namin si Lovely kung nagparetoke siya sa mukha dahil hindi namin siya nakilala at gumanda siya lalo ngayon. Todo-deny naman siya pero pakiramdam talaga namin ay may nabago sa mukha niya kaya lalo siyang nagka-aura.

Of course nandoon din si Camille Villar na rati, nanonood lang kasama ang parents niya pag anniversary ng show. Pero ngayon, parte na rin siya ng matagumpay na show.

Takaw-pansin din ang baguhang host ng show na si Cindy Miranda. Matangkad, maganda at pang-beauty queen ang porma. Tatlong buwan pa lang siya sa WTBT pero feeling niya ay parang 3 years na siya sa show at nakakasundo naman niya ang lahat.

Hanggang Oct 31 ang monthly celebration ng 2nd anniversary ng ‘Wil Time Big Time’ kung saan ay bongga ang mga papremyo, puwede kang magkaroon ng house and lot, sasakyan at umuulan talaga ng pera.

Pagkatapos ng anniversary presentation ay nag-dinner kami sa Wil’s Events Place sa Sgt. Esguerra  sa QC. Kawili-wili talaga ang venue na ito na parang hotel ang ambiance. May concert din doon si Nina sa W Bar na kung saan ay nakipag-jamming sina Basil Valdez at si Willie. ‘Yung hilig ni Wil na maging drummer ay ginawa niya habang kumakanta si Nina.

Tinanong namin si Wil kung wala ba siyang balak na mag-asawa ulit?

“Wala nang time. Unfair sa magiging girlfriend mo, e. Meron akong mall (Sa Wil Tower tapat ng ABS-CBN 2), bubuksan sa December. Sobrang ganda ‘yung mall na ‘yun,” sagot niya.

Balak din palang magbakasyon at mag-bonding si Willie sa kanyang mga anak. Baka dalhin daw niya ito sa Macau.

“Gusto ko lahat ng mga anak ko kasama ko and then i-explain ko sa kanila kung ano ang nangyari sa buhay ko. I-explain ko rin sa kanila kung anong meron ako para alam nila, alagaan niyo lahat,” sey pa niya.

Yeah ba!

-0o0-

DESERVING talagang manalong Best New Female Recording Artist ng PMPC Star Awards for Music si Paula Bianca dahil talented siya talaga. Bongga rin ang self titled album niyang sa Vicor Records na prodyus ni Vehnee Saturno.

Nu’ng Sabado sa Zirkoh, Tomas Morato ay napanood na naman namin siya. May bago na naman siyang ipinakita. Hanep ang version niya sa ‘Born This Way‘ ni Lady Gaga. Dadalhin ka niya sa alapaap pag nagpe-perform siya ng live.

Kahit ang tita niyang si Sharon Cuneta, tiyak na matutuwa sa kanya at magiging proud pag napanood siya.

Noong launching ni Paula, halos ayaw niyang ipasulat na tita niya si Sharon para hindi siya akusahan na ginagamit ang Megastar. Hindi rin niya ginamit na screen name ang apelyidong Cuneta para ma-penetrate ang showbiz.

Pero tiyak na makikilala talaga si Paula dahil sa husay niya mag-perform at ganda ng boses. Bukod sa PMPC Star Awards, siya rin ang Best New Artist last June ng Tambayan 101.9 FM.

Nandiyan pa ang father niya na si Danny Cuneta, kapatid ni mega na very supportive sa kanyang career.

Dahil sa pagkapanalo ni Bianca, binigyan siya ng blow out ng kanyang ama ng US Trip. At ngayong dumating na siya, abala na siya sa promo ng kanyang upcoming  solo concert, ang Rockphilia (A Concert for Hemophilia Patients) na gaganapin sa PAGCOR Theater sa Casino Filipino Paranaque on Nov. 9.

Kasama rin siya sa fund raising show ng Philippine Movie Press Club sa Nov. 24 sa Zirkoh, Morato entitled PMPC Stars for A Cause kung saan ay tampok rin sina Jake Cuenca, Jake Vargas, Bea Binene, John Rendez, Sexbomb Dancers, Miguel Aguila, Le Chazz, AJ Tamiza at isang sikat na aktres na magiging surprise guest.

‘Yun na!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply