Sirkulo ng pamunuan

TULAD ng buhay ng tao, ang isang organisasyon ay parang gulong na patuloy ang pag-ikot. Mayroon itong sariling buhay na may nararanasang pag-angat at paglubog, tagumpay at pagkabigo ng katayuan. Tulad din ng buhay ng tao, mayroon itong pagpapalit-palit ng katayuan dahil bahagi ito ng mga pagbabago na siyang bumubuo ng kanyang pangkalahatang pamumuhay.

Tulad ng ibang mga organisasyon, ang Philippine Navy ay may sariling buhay at nababalot ito ng mga pagbabago lalu’t higit pa na pabagobago rin ang kapaligirang kinikilusan at tinatanod ng Hukbong Dagat.

Isa sa pinakaimportanteng bahagi ng mga pagbabago sa Navy ay ang pagbabago sa pamunuan o ang pagsalin ng pamumuno mula sa isang pinunong papaalis na at sa isang pinuno na papalit. Ang pagsasalin ng pamunuan ay isang sirkulo sa Navy na naging napakahalagang bahagi ng kanyang buhay bilang isang organisasyon.

Kamakailan lang ay nasaksihan ng Navy ang ilang pagsasalin ng pamunuan mula sa iba’t ibang units nito hanggang sa kanyang punong himpilan mismo.

Ang sumusunod na units at opisina ng Navy ay tumanggap ng kanya-kanyang mga bagong pinuno bilang bahagi ng mga pagbabago sa Navy Command Team: Vice Commander ng Navy – Rear Admiral Edgar L. Abogado; Chief of Naval Staff – Commodore Jesus C. MiIlan; Philippine Fleet – Rear Admiral Orwen J. Cortez; Naval Forces Central – Commodore Leopoldo M. Alano; Naval Forces Eastern Mindanao – Commodore Isabelo H. Gador; Naval Base Cavite – Commodore Romeo Santiago O. Nebres; Naval Sea Systems Command – Commodore Roberto V. Santos; Naval Reserve Command – Captain Primitivo P. Gopo; at Philippine Navy Finance Center – Captain Ramon S Ochoco.

—ooo—

Isa namang malugod na pagbati sa mga Mandirigma ng Philippine Marine Corps na malapit nang magdaos ng kanyang ika-62 na kaarawan nitong darating na ika-7 ng Nobyembre. Maaaring hindi alam ng lahat na tinatanaw ng Marines ang kanyang anibersaryo bilang isang birthday dahil para sa kanila ay buhay na buhay ang Marines bilang isang organisasyon.

Nakadaragdag sa pagkakaisa at samahan ng mga Mandirigmang Marino ang ganitong tradisyon na siyang nagbibigay buhay at kulay sa anyo ng Marines bilang “representatives of the best in soldiery.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply