Siyudad, 3 bayan ng Misamis Oriental election hotspot

KINUKONSIDERA ng Commission on Elections (Comelec) ang isang siyudad at bayan ng Misamis Oriental na “hotspot” kaugnay ng 2013 midterm elections.

Ito ay dahil na rin sa presensya ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa nasabing lugar.

Ayon kay Comelec provincial election supervisor Atty. Carlito Ravelo, makikita ang nasabing mga barangay sa bulubunduking bahagi ng bayan ng Claveria, Balingasag, Lagonglong, Salay at Gingoog City.

Gayunman, nakikipag-ugnayan na ang Comelec sa pulisya at military upang masiguro ang seguridad sa nasabing hotspot area.

Nanawagan din ang komisyon na huwag nang magdala pa ng maraming supporter sa paghain ng kanilang CoC ngayong huling araw ng filling.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply