Cavitex handa na sa Undas

HANDA na rin ang mga toll operators sa Cavite Expressway (CAVITEX) para sa nalalapit na pagdiriwang ng Undas na aasahan ang malaking volume ng mga motorista na magsisipag-uwi sa kani-kanilang probinsya at karatig lalawigan.

Sinabi ni Aldo Barrios, operations manager ng Cavitex, sa ginanap na pulong balitaan sa tinapayan, nagdagdag na sila ng mga lanes upang madaanan ng mga motorista.

Dagdag pa ni Barrios, maglalagay rin sila ng assistance booth na maaring mahingan ng tulong ng mga motorista at tool booth para naman sa E.TAP card lanes.

Magkakaloob rin sila ng libreng wi-fi at mga loading station.

Bukod pa sa patuloy sa pagkumpuni at rehabilitasyon ng mga kalsada sa Cavitex.

Ayon pa kay Barrios, magpapatupad din sila ng libreng towing at mechanic check-up sa kanilang mga station ang Cavitex sa panahon ng Undas sa sandaling magkaaberya ang mga sasakyan ng motorista.

Tiniyak din ni Barrios na walang magaganap na toll fee increase.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply