Sobrang suplay ng sigarilyo, ibebenta sa Thailand

UMAASA ang mga cigarette companies sa bansa na bibilhin ng Thailand ang sobrang supply nito kapag tuluyan nang naipatupad ang pagpapataw ng mataas na buwis sa sin products.

Ayon sa Department of Trade and Insdustry (DTI), nangungunang exporter product ang sigarilyo sa Thailand at tinatayang 2/5 ng cigarette market nito ay galing sa Pilipinas.

Sinabi pa ng trade officials na mas tataas pa ang tobacco export sa Thailand kapag sinunod na ng bansa ang ruling ng World Trade Organization (WTO) na nag-aatas na bawasan ang re-sale taxes ng mga
imported na sigarilyo doon.

Ito naman ay para mapantayan ang halaga ng mga sigarilyong gawa sa Thailand.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply