SOCO television host Gus Abelgas, naakyat-bahay sa Laguna

INAKYAT– bahay gang ng ABS-CBN reporter at Scene of the Crime Operatives (SOCO) host na si Gus Abelgas sa Sta. Rosa, Laguna nitong Linggo ng gabi (Oktubre 28).

Sinabi ni Abelgas na mabuti na lamang at wala siya at ang kanyang pamilya sa kanilang bahay sa Laguna Bel-Air 4 sa Sta. Rosa, Laguna, kundi baka may masama pang nangyari kapag nagkataon na naroon sila nang ikasa ang panloloob ng mga suspect.

Gayunpaman, natangay pa rin ng mga magnanakaw ang kanyang television set, airbed at iba pang hindi pa matukoy na mga kagamitan.

Sa ulat na pulisya, maaring naganap ang panloloob sa pagitan ng ala 1:30 ng hapon hanggang alas 9 ng gabi nitong nakaraang Linggo.

Paniwala n Abelgas na ikinasa ang panloloob matapos umalis ang kanyang caretaker na hindi nito pinangalanan  dakong alas 1 ng Linggo ng  hapon.

Sinira ng mga suspect ang pintuan ng kanyang bahay at binaklas din ang mismong gate nito sa likod.

Sa mismo aniyang kusina nila dumaan ang mga suspect na halatang ginagalugad ang mga kuwarto ng kanilang bahay.

“Sira lahat ng pintuan. Yung gate sa likod, nabaklas; tinanggal yung kandado. Sa kitchen dumaan, sinira din yung doorknob bago pagakyat. Wasak lahat ng pintuan doon sa bahay namin,” ani Abelgas.

Ayon kay Abelgas, tuwing weekend lang sila umuuwi dito at masuwerte namang wala sila nang mangyari ang insidente.

Hinihinala namang may kaugnayan sa insidente ang isang puting Mitsubishi L300 van dahil hindi na kinuha ng drayber nito ang kanyang drivers license matapos  pumasok at lumabas sa naturang exclusive.

Nire-review na ng pulisya ang CCTV camera sa bahay ni Abelgas na hindi makapaniwala na maging siya nanaguulat ng mga balitang pampulis ay magiging biktima ng masasamang elemento sa lipunan.

Matatandaan na noong Hulyo 2012 nang pasukin din ang bahay ni ABS-CBN reporter Jay Ruiz sa Quezon City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply