Solenn Huessaff, babaeng walang pahinga

KINU-CONSIDER ni Solenn Heussaff ang sarili na babaeng walang pahinga dahil sa rami ng kanyang trabaho sa araw-araw. Kung walang taping ng soap opera, kinakain ang everyday sched niya sa pagtanggap ng mga corporate shows kung saan kadalasan ay siya ang host at guest singer.

Kahit Sunday ay busy pa rin si Solenn sa Party Pilipinas. Regular mainstay siya rito kung saan nagagamit niya ang kanyang talent sa singing, dancing at hosting. Pag-Friday naman, madalas siyang nasa “Bubble Gang” bilang guest. Tulad ngayong week ay nasa BG si Solenn. Kasama niyang panauhin si Mikey Bustos. Nagkasundo ang dalawa sa show dahil pareho silang Inglisero.

Pero inamin ni Solenn na regular siyang nagsasalita ng Tagalog at pinipilit niyang makipag-usap sa Tagalog para lalo siyang mahasa.

Tampok na gags ang Frankenstein, na sasalihan nina Solenn at Mikey. Babalik in ang kinagigiliwan ninyong Cheche Bureche na tampok ang tandem nina Ogie Alcasid at Michael V. Siyempre, di mawawala ang Assimo at Moymoy Palaboy.

Samantala, nadagdagan pa ang regular show ni Solenn sa GMA bilang co-host ng bagong programa ng GMA New TV, ang Taste Buddies kung saan kasama niya si Isabelle Daza. Magsisimula ang programa ngayong Saturday night.

Isa itong cooking cum talkshow na pag-uusapan ng mag-best friend na sina Solenn at Isabelle ang kung anu-anong topics habang nagluluto ng kanilang sariling recipes. May special guests silang kasama tuwing episode ng Taste Buddies.

Maalam si Solenn ng mga pagkain na kinagigiliwan ng mga babaing mahilig mag-diet. Mahilig siyang magbasa ng libro tungkol sa mga healthy foods. Isi-share niya ang mga na-discover niyang recipes.

Ani Sollenn: “Madali lang ang Taste Buddies para sa akin dahil twice a month lang ang taping namin. Nag-aad-advance kami lagi kapag taping para hindi every week kaming nagsu-shoot ng episode.”

000

Derrick Monasterio, sobra ang paghanga kay Barbie Forteza

HABANG tumatagal ang love team nina Derrick Monasterio at Barbie Forteza, lalo namang nagiging super close si Derrick sa kanyang leading lady. Silang dalawa ngayon ang mag-love team sa “Paroa, ang Kuwento ni Mariposa”.

Rito sa Paroa, naramdaman ni Derrick ang kaibahan ni Barbie sa ibang naka-partner niya pagdating sa sincerity ng pakikisama sa kanya at pagiging always ready sa set. Feeling ni Derrick, nakaka-inspire katrabaho dahil super galing sa kanilang mga eksena.

Tuloy, si Derrick ay nahihiyang di pagbutihan ang kanyang acting para lang makapantay kay Barbie.

Ani Derrick: “Mas mahirap ang role ko rito sa Paroa kasi iba ang character ko rito kaysa sa Luna Blanca. Iikot ang buhay ko kay Barbie bilang si Mariposa. Pilyo ako rito pero kadalasan ay madrama ang mga eksena ko.

“Sa soap seryoso na ako sa set. Maaaring nag-mature na ako. Bukod pa sa naisip kong panahon na para ako magser -yoso sa mga ginagawa kong project. Di na ako pala laro sa set. Nasa isip ko lagi ang mga eksenang dapat kong gawin. Maaaring na impluwensiyahan ako rito ni Barbie.”

Sa unang pagsasama nina Derrick at Barbie sa Luna Blanca, hindi gaanong naramdaman ni Derrick ang init ng pakikisama ni Barbie sa kanya. Madalas kasing kaeksena nito ay si Kristoffer Martin. Separate location pa sila kung minsan. Naka-focus kasi si Barbie sa crush niya sa istoryang Luna Blanca, kay Kristoffer. Eh, si Derrick ay role bilang kababata ni Blanca (Barbie) na laging sumasaklolo sa dalagita.

000

Magbibigay ng saya ngayong Undas ang Manny Many Prizes

NGAYONG Undas Season, sisiguraduhin naming magiging masaya ang pag-alala natin sa mga mahal natin sa buhay kasama ang buong tropa ng Many Manny Prizes!!! Siyempre, hosted pa rin ni Pambansang Kamao at Rep. Manny Pacquiao ang shot.

Isang hamon mula kay Ninong Manny na maaaring magpagulat, magpabilis ng tibok ng puso at magpalabas ng tunay na lakas ng ating studio players! Hanggang 100,000 pesos worth of prizes ang instant papremyo kung malampasan mo ang mga pagsubok sa KKK, Kering-keri kaya!?

Si Sarah Lahbati ay darayo rin para makigulo at makipagkulitan kay Ninong. Mga hunks naman ang bibisita at maglalaro sa Word Champ! At makikipagkantahan rin tayo sa MMP Discovery na si Isaac Zamudio at Youtube sensation, Zendee Rose.

Kilalanin ang sumulat sa Dear Ninong na si Elena Juanon. Sumulat si Elena dahil nais nitong umuwi sa kanila sa Daraga, Albay upang dalawin ang kanyang nanay. Wala itong sapat na pamasahe pauwi sa kanila kaya minabuti niyang sumulat sa MMP upang idulog ang kahilingan. Ang malaking sorpresa na bubulaga kay Elena. Abangan!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply