Solenn Huessaff, willing mag-finance ng first business venture nila ng kanyang Argentinian bf

MASAYA si Solenn Huessaff sa pagkakapili niyang maging host ng bagong cooking cum talkshow ng GMA News TV, ang Taste Buddies, magagamit niya kasi ang talent niya sa cooking. Kahit pa sabihing magaling rin ang ka-buddy niyang host sa pagluluto, si Isabelle Daza, galing sa pamilyang magagaling na chef .

Tamang-tama ang set-up ng set ng Taste Buddies dahil pareho sila ni Isabelle na living alone sa kani-kanilang condo.

Naikuwento ni Solenn na gusto niyang magnegosyo ng resto business. Hilig niya kasi ang pagluluto pero experience lang lahat iyon. Palabasa kasi siya ng mga aklat tungkol sa pagkain para sa mga nagda-diet. Kalkulado niya ang mga calories na kanyang kinakain sa araw-araw.

Bukod pa rito, mahilig siyang mag-exercise ngayon. Para kay Solenn, ang  pinaka-effective na execise ay ang  jogging. Talagang nakapagpapayat sa kanya. Kapag sobrang busy na siya ay nawawalan siya ng oras sa gym. Pero kapag jogging, kahit thrice a week ay madaling gawin. Di nakakatamad dahil tatakbo ka lang.

Masaya dahil marami kang kakilala na makakasama mo.

Bukod sa Taste Buddies, busy si Solenn sa shooting ng Sosy Problem ng GMA Films.

Kasama rin siya sa Indio soap na bida si Bong Revilla. Isa siya sa mga diwata rito.

Walang panahon si Solenn sa pagre-recording ngayon. May plano na gumawa siya ng second album sa Universal Records pero di pa niya ito matutukan. Marami kasi siyang trabaho sa GMA bukod pa sa halos everyday ay may natatanguan siyang personal appearance na karamihan ay corporate affairs.

000

Heart Evangelista, walang time na mag-campaign kay Chiz Escudero

HANGGANG Friday na lang ang airing ng Luna Blanca nina Heart Evangelista at Bianca King pero di pa rin titigil sa pagtatrabaho ang aktres. Sisimulan niya ngayong katapusan ng October ang part niya sa GMA Films entry na Sosy Problem kung saan kasama niya sina Bianca, Solenn Huessaff at Maxene Magalona.

Ani Heart sa backstage ng Party Pilipinas:”Wala akong pahinga, in fact ngayon nga’y masama ang pakiramdam ko kaya gusto kong umuwi agad.”

Buti naman at nagpaunlak si Heart ng mga gagawin niyang project kahit sabi ng kanyang alalay ay gustung-gusto nang umuwi ang magaling na actress.

Pagkatapos ng Sosy Problem niya, gagawin naman niya ang bagong soap niya. Isang drama soap na ipalalabas ngayong November sa GMA 7 primetime.

Kaya nang tanungin kung paano pa sila nagkikita ng kanyang senator-boyfriend na si Chiz Escudero, nasabi niyang: “Walang definite time ang pagkikita namin. Once in a while ay dumaraan sa bahay namin si Chiz.
Paborito niyang dalhin ay pumpon ng bulaklak. Ayaw ko kasi ng chocolates dahil nagdi-diet ako.”

Dahil sunud-sunod ang trabaho ni Heart, nasabi nito sa amin na wala siyang oras para mag-campaign kay Chiz. Kasi ang sisimulan niyang soap sa November ay tatagal ito ng palabas hanggang next year, na kainitan ng kampanya sa election.

Tungkol sa pagtatapos ng Luna Blanca, abangan ng manonood ang naiibang twist ng istorya. Magiging madugo rin dahil may mamatay na character.

Ayaw niyang i-reveal kung kanino mapupunta si Joaquin(Mark Herras). Alam naman ng manonood ay sobrang in love si Luna (Bianca) kay Joaquin. Si Joaquin naman ay in love kay Blanca (Heart).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply