Solon nagpasaklolo sa BIR vs tax evaders

PINAKIKILOS ng Kamara ang Bureau of Internal Revenue para habulin at papanagutin ang mga tax evaders.

Dahil dito, naghain ng House Resolution 2793 si Gabriela Rep. Emmi de Jesus upang ipasiyasat ang paraan ng BIR sa paghawak ng multi-milyong tax evasion cases sa bansa.

Isinusulong sa resolusyon na magsagawa ng imbestigasyon ang House Committee on Good Government at imbitahan si BIR Commissioner Kim Henares upang i-update ang komite sa kasalukuyang tax evasion cases.

Tinukoy ni de Jesus na naghain ng 79 na tax evasion cases si Henares sa Department of Justice simula 2010.

Sinabi pa ni de Jesus na batay sa Philippine Constitution ang panuntunan sa pagbubuwis ay kailangan pareho at pantay.

Ani de Jesus, kailangang mabusising imbestigasyon sa mga kaso ng hindi tamang pagbabayad ng buwis at mapanagot ang sinumang mapapatunayang nagkasala dito./Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply