Sputnik nanugod ng saksak, kalaboso

KULONG ang isang miyembro ng Sputnik Gang at sinasabing holdaper nang manugod ng barangay tanod na sumita sa una sa Caloocan City kaninang madaling araw, Oktubre 15.

Nahaharap sa kasong illegal possession of deadly weapon at direct assault si Mark Anthony dela Cruz, 32, ng Velasco St., nasabing lungsod.

Sa ulat, alas-2 ng madaling araw, nagroronda ang barangay tanod na si Aureliano Abando Jr., 49, kasama ang ilang pulis sa De Jesus St., Bagong Barrio nang mapansin ang suspek na parang may hinihintay.

Sinita ni Abando ang suspek suballit laking gulat ng una nang undayan ng saksak ng huli subalit pinalad na hindi tinamaan.

Agad na sumaklolo ang mga pulis na kasama na naging dahilan upang madakip ang suspek at makuha ang balisong.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply