St. Lukes Medical Center pinagbabayad ng SC ng kakulangan sa buwis

INATASAN ng Supreme Court ang St. Lukes Medical Center na bayaran ang utang nitong buwis sa gobyerno.

Nabatid na ang St. Lukes ay may milyong pisong income tax deficiency para sa taxable year 1998.

Sa 24-pahinang desisyon ng SC Second Division na isinulat ni Associate Justice Antonio Carpio  nakasaad na nabigo ang St. Lukes na makatugon sa itinakdang requirement sa ilalim ng National Internal Revenue Code (NIRC) para ganap na makalibre sa pagbabayad ng buwis.

Tinukoy sa desisyon na ang St. Lukes ay nararapat na magbayad ng preferential tax rate na 10% mula sa mga kinita nito sa mga “for-profit” activities.

Nuong 1998, nakapagtala ng P1.73 billion na halaga ng kita ang St. Lukes mula sa patient services.

Nauna nang tinukoy ng ospital na hindi dapat kinunsidera ng Bureau of Internal Revenue ang kabuan ng kanilang kinita dahil nagbigay naman sila ng libreng serbisyo sa mga pasyente sa halagang aabot sa mahigit P218 million na katumbas ng 65.20% ng kanilang operating income.

Pero iginiit ng BIR, na nag-ooperate ang St. Lukes para tumubo ng kita dahil 13% lamang ng kanilang revenue ang galing sa charitable purposes.

Samantala, hindi naman kasama sa pinababayaran ng korte ang surcharges at interes mula sa naitalang tax deficiency ng St. Lukes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply