State of calamity idineklara sa 1 brgy sa GenSan

IDINEKLARA na ang state of calamity sa Barangay Lagao sa General Santos City dahil sa mataas na tubig baha na dulot ng bagyong Ofel.

Batay sa ulat ng mga opisyal, aabot ng 11 purok sa kanilang lugar ang apektado ng pagbaha.

Dahil dito, may dagdag na pondo ang barangay para magagamit ng mga pamilya na naapektuhan ng pagbaha.

Nakauwi ang 217 na pamilya na lumikas sa kani-kanilang tirahan.

Sa ngayon patuloy pa ang assessment ng mga opisyal ng barangay kung magkano ang halaga ng pinsala ng pagbaha.

Maliban sa Lagao apektado rin ng pagbaha ang Barangay Bula at Baluan.

Kaugnay nito, maraming bahay pa rin sa Bula ang nananatiling binaha hanggang kagabi at mataas pa rin ang tubig baha sa Amao Road.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply