Status ng voters reg matse-check na online

MAAARI nang i-check sa internet ang status ng registration ng mga botante.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, maaring i-check ang site na http://www.comelec.gov.ph/r=precinct_finder upang malaman ang polling center, precinct number at iba pang impormayon kaugnay sa voters registration.

Sinabi pa ni Brillantes na mas mapapadali na aniya sa isang botante na alamin ang mga detalye ng kanyang registration at makaaiwas pa sa abala.

Gayunman, pinaalala ni Brillantes na ang mga hindi bumoto ng dalawang magkasunod na eleksyon ay made-deactivated na ang kanilang registration.

Kailangang i-reactivate ng mga hindi nakaboto nitong Mayo 10, 2010 at Oktubre 25, 2010 elections ang kanilang status para makaboto sa 2013.

Muli ring ipinaalala ng Comelec na hanggang Oktubre 31 lang ang voter’s registration at hindi na ito palalawigin pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply