Steel grating covers sa kalsada ninanakaw – DPWH

NAALARMA ngayon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa sunod-sunod na  pagnanakaw ng ilang kawatan sa mga “steel grating covers” sa kahabaan ng national highways.

Dahil dito, humingi na ng saklolo ang ahensya sa pulisya upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng pagnanakaw sa mga nasabing bakal.

Ayon kay DPWH Secretary Rogeio Singson, dapat din maging vigilant ang publiko laban sa mga pagnanakaw kung saan unang-una aniyang naapektuhan ang mga motorista at commuters.

Sinabi pa ng kalihim na noon ang mga steel rail guards, signboard poles at bridge metal markers ay madalas na target ng mga kawatan sa probinsya ngunit ngayon aniya ay  pagkawala naman ng mga steel grating ang target sa Metro Manila na umanoy nagsisilbing water inlets tuwing may pagbaha.

Isa umanong pangyayari ng pagnanakaw ng steel grating ay ang bagong bukas pa lamang na underpass sa G. Araneta at Quezon Avenue sa lungsod Quezon, isang linggo matapos ang isinagawang inagurasyon.

Maging ang piraso rin ng steel grating sa outer lane ng south patungong north bound ng direksyon ng Osmena flyover crossing, Buendia Avenue sa Makati City ay nawala rin umano.

Ayon kay Singson, kung magpapatuloy ang pagnanakaw sa mga steel grating at iba pang pasilidad ay  maaaring tumaas ang kaso ng road accident.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply