Stem cell therapy

IWANAN muna natin sandali ang napakarami at masalimuot na isyu ng pulitika sa bansa.

Sa halip ay bigyang pansin natin ang uso ngayon pero kontrobersyal na pamamaraan ng panggagamot na kung tawagin ay stem cell therapy.

Kontrobersyal ang stem cell therapy dahil nakapaloob dito ang moral at ethical issue base na rin sa pamamaraan kung paano ito isinasagawa at kung saan nagmumula ang mga sangkap na ginagamit dito.

Sa aking pagkakaalam ay ilang pamamaraan ang ginagawa para ma-harvest ang stem cell na ginagamit sa panggagamot ng ibat-ibang uri ng gamot.

May mga practitioner na gumagamit ng mga stem cell ng tupa gaya ng karamihan sa Germany, samantalang iyong iba naman gaya ng mga nasa China at South Korea ay gumagamit ng stem cell mula sa inunan ng bagong silang na sanggol ng tao. At dahil hindi pa nga tanggap sa mainstream medicine ang sistema ay umaani ito ng mga pagpuna at pagbatikos mula sa mga tradisyonal na mga manggagamot.

Base sa tala ay unang napagtuunan ng pansin ang pamamaraang ito nang matuklasan nina Ernest McCulloch at James Till na mga taga-Canada noong 1963, na puwede palang mapalitan ng bone marrow ang blood cells sa pamamagitan ng isang transplant operation.

Base sa opisyal na depinisyon na ibinigay ng US National Institute of Health, sinabi nito na ang stem cell ay mga selula o cell na may kakayahang gumawa at pumalit sa nasirang cell sa loob ng katawan.

Sa madaling salita, malaking tulong ito sa mga tao lalo na iyong may mga malulubhang sakit gaya ng cancer, heart ailment at Alzheimer dahil nabibigyan na sila ng pag-asa na gumaling.

Kung totoo kasi ay puwede nang mapalitan ng bagong stem cell ang mga nasirang stem cell sa katawan ng mga taong may sakit kaya puwede na ring magamot ang halos lahat ng klaseng sakit.

Sa personal kong karanasan ay naniniwala ako na totoo at epektibo ang stem cell therapy.

Nakita ko kasi kung paano ginamot ni Dr. Wilson Gan, na isang stem cell practitioner ang napakaraming mga tao na iba’t iba ang karamdaman.

Bagama’t medyo may kataasan ang presyo ng ganitong klaseng pamamaraan ng panggagamot, ay malaking bagay ito para mas matagal pa nating makasama sa mundo ang mga may sakit nating mahal sa buhay.

Alam ko na ang mga tradisyonal na medicine practitioner ang mga pangunahing lumalaban para huwag mabigyan ng recognition at karampatang pagtanggap ang sistemang ito. Sigurado kasing maapektuhan ang kanilang kita dahil wala ng magpapagamot sa kanila sakaling maging tuluyan nang maging isang standard industry practice ang stem cell therapy.

Para sa akin naman ay dapat bigyang pagkakataon at gawing legal ang stem cell therapy para naman mas maging kapaki-pakinabang ito, lalo na sa mga taong may malulubhang karamdaman.

May kasabihan na lahat ng bagay na mabuti ay mula sa Diyos at kung mabuti at nakatutulong ito, ibig sabihin ay mula ito sa Diyos.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply