Steven Silva, inasikaso nang husto ni Diva Montelava nang magka-dengue

APAT na araw na na-confine sa hospital si Steven Silva nang dapuan siya ng dengue. Sabi ng doctor ay stage 1 dengue palang kaya di siya kinailangang magpasalin ng dugo. Magkaganunpaman, ininda niya’y ang sobrang sakit ng ulo at likod. Buti na lang nasa tabi niya madalas para umalalay sa kanya ang one year nang karelasyon na si Diva Montelava.

Nagkakilala lang sila ni Diva noon nang pareho silang sumali sa StarStruck Batch 5. Pinalad na maging Ultimate Starstuck winner si Steven, bale runner-up lang sina Enzo Pineda at Rocco Nacino. Samantalang, si Diva ay runner up ni Sarah Lahbati, ang female ultimate Startruck winner two years ago.

Nasa set ng Coffee Prince si Steven nang nakaramdam siya ng mataas na lagnat at pananakit ng ulo at katawan, minabuti ng staff na pauwiin agad siya at dinala sa Capitol Medical Center para magpa-check-up.
Hindi na pinalabas ng ospital si Steven, kinunan agad siya ng dugo at natuklasang positive sa dengue.

Kaya ang unang mga eksena dapat niya sa Coffee Prince ay di na siya nakunan. Role nya ang pagiging best friend ni Errol, na role ni Benjamin Alves, na half-brother ni Arthur, na role naman ni Aljur Abrenica.

Kahit supporting role si Steven, masaya niya itong tinatanggap. Alam kasi niyang may difficulty pa siya sa pagsasalita ng Tagalog, pero nang nakausap namin siya sa huling presscon ng Coffee Prince, malaki na ang kanyang ipinagbago.

Tuwid na at hindi na siya nag-i-English pag kausap mo. Mas malaking improvement naman kaysa sa mga Mexican –Brazilian actors na sina Favio Ide at Daniel Matsunaga.

Si Steven ay laking America. Nagbakasyon lang sa mother side ng family nila sa Davao City kung saan na-discover siya ng talent scout ng StarStruck noon. Ang father niya ay lahing South American at ang ina niya’y half-Chinese at half-Pinoy kaya may dugo pa rin siyang Pinoy.

Unang kinakitaan ng galing sa pag-arte si Steven sa afternoon soap na Koreana, ang first solo soap ni Kris Bernal. Si Steven ay ka-love triangle nina Kris at Mark Herras.

Ani Steven: “Salamat, napansin ninyo ang pagbabago ng pananagalog ko. Almost everyday ay may tutor ako sa Pilipino language na nagga-guide sa aking pagsasalita. Dinidibdib ko talaga ang pagtatagalog.”

Wish ni Steven na mapansin siyang muli ng mga executives ng GMA 7 para bigyan siya ng malaking break para maging bida. In demand naman ang personality at kagwapuhan ngayon ni Steven. Kita ang pagiging mestisong Chinoy niya.

Nagsisimula na ang Coffee Prince lass Monday, Oct.8, sa evening primetime, pagkatapos ng Luna Blanca.

000
 
Sef  Cadayona: Kinikilig kay Kim Komatsu, ang first ka-love team niya via Coffee Prince
 
KINILIG talaga si Sef Cadayona nang ikuwento niya sa amin na may ka-love team na siya sa pag-pasok niya bilang isang tricycle driver turned waiter sa bagong soap na Coffee Prince bilang si Baldo, ang kakatsuba ng bidang si Kris Bernal sa pagpapanggap na lalaki bilang si Andy sa istorya ng TV series.

Tinutukoy ni Sef na ka-love team niya ay ang tween star na si Kim Komatsu, na kata-turn 18 lang.

Ani  Sef: “Naku, first time akong binigyan ng leading lady. Okay naman, pagkatapos akong lumabas sa iba’t i- bang role na tulad ng isang bading, ngayon nama’y tunay na lalaki na ma-iin-love sa kapatid ng babaeng dati kong hate dahil pumasok na tricycle driver kung saan ako ang head ng kanilang asosasyon.

“Pero nang pareho kaming nag-apply sa Coffee Prince bilang waiter ni Kris bilang si Andy, rito kami nagkagula- tan. Kinausap niya akong huwag maingay na babae siya. Gusto lang niyang makapagtrabaho at iwanan ang pagta-tricycle.

“Pero, bago pa man ay nagkasundo na rin kami ni Kris sa istorya dahil liligawan ko ang younger sister niyang si Kim bilang si Mylene. Bale padrino ko si Kris rito.“

Bago pa magsimula ang Coffee Prince taping sa malayong Talisay, Batangas, may dalawang indie films nang sinimulan si Sef kung saan pawang bida siya. Kasama niya sa indie film na Gayak ang mga veteran stars na sina Allan Paule at Evelyn Vargas. Tumatalakay ang movie sa relasyon ng mag-ama. Samantalang, ang ikawalang indie niya ay ang Slumber Party na pang kabataan naman.

Ang Gayak ay nakatakda nang isali bilang entry sa New Wave film category sa Cannes Film Festival.

Samantala, nasabi ni Sef na wala siyang masabi sa pag-aalaga sa kanya ng GMA 7. Lagi siyang may project.

Gusto niya ang pamamaraan ng network sa pag-aalaga sa kanya, tinawag niya itong slowly but surely. Siyempre, nag-aabang rin siya nang mas malalaking roles.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply