Stude inambahan ng barbecue stick, P5K natangay ng holdaper

IMBES baril o kutsilyo, isang barbeque stick lang ang ipinangtutok ng isang holdaper sa kanyang biniktimang babaeng estudyante sa Naga City nitong Biyernes ng hapon.

Sa takot na itusok sa kanyang tagiliran, inabot na agad ng biktimang si Stephanie May Chan, 16-anyos, 4th year high school student sa suspect ang kanyang P5,000 libong piso at cellphone.

Bago naman tumakas, humingi naman agad ng tawad ang hindi nakikilalang holdaper at sinabi na kailangan niya ang pera dahil sa panganganak ng kanyang maybahay.

Gayunpaman, ikinasa pa rin ang pagtugis sa suspect matapos isalarawan ng biktima kung ano ang itsura ng nasabing holdaper.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 4:30 ng hapon sa tapat mismo ng eskuwelahan na ayaw ipabanggit ng biktima.

Bago ito, naglalakad sa harapan ng kanilang unibersidad si Chan kasama ang isang kaklase nang biglang lapitan ng suspect at tutukan ng matulis na barbecue stick.

Nagbanta ang suspect  na tutuluyan si Chan at magng ang kaklase nito kung hindi ibibigay sakanya ang pera at cellphone na noon ay ginagamit ng biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply