Stude natangayan ng laptop, cellphone ng riding-in-tandem

NATANGAYAN ng laptop at cellphone ang isang estudyante ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek sakay ng isang motorsiklo sa Caloocan City, kagabi, Oktubre 2.

Nakilala ang biktima na si Mar Greg Azanza, 21, estudyante ng University of the East at residente ng Camia St., Libis Espina ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi, naglalakad ang biktima sa Torres Bugallon ng lungsod nang lapitan ng mga suspek at hinablot ang bag ni Azanza na may laman na laptop at cellphone.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklong hindi nakuha ang plaka.

Humingi ng tulong ang biktima sa mga pulis suballit hindi na nakita ang mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply