Student crime prevention committee iginiit

MAGLILIKHA ng Student Crime Prevention Committee sa lahat ng paaralan sa bansa upang bigyan ng proteksyon ang mga estudyante at kapaligiran nito upang matutukan ang kanilang pag-aaral.

Malaking tulong ang House Bill No. 6479 na inikada ni Rep. Juan Edgardo Angara (Lone District, Aurora) para ipa-alam sa publiko ang tungkol sa crime statistics na nangyayari sa mga paaralan, gayundin ang crime prevention plan para malaman ng mga magulang kung anong eskwelahan ipapasok ang kanilang mga anak.

Sa panukalang crime prevention committee na siyang magbabalangkas ng crime prevention strategy, sinabi ni Angara na isasama dito ang kasalukuyang campus policies sa pamamaraan at pasilidad para sa mga estudyante at pamamaraan ng pag-uulat ng krimen o emergencies na nangyayari sa loob ng campus at kung paano ito tinutugon ng paaralan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply