Sugal ni Ricafrente at Cayetano isinusuka na

NAGTATAWANAN lang ang mga utak ng jueteng at poker sa Rosario, Cavite sa deklarasyon ni Regional Director C/Supt. James Andres Melad na pinatigil na niya ang lahat ng sugal sa Region 4-A.

Dahil ang dating binobola sa likod mismo ng palengke at inilipat sa Ligtong kamakailan lang ay muling inilipat  sa likuran mismo ng Brgy hall ng Brgy. Bagbag-1.

Si Rudy Marikina na na-kaprente sa jueteng at si Amboy Buhain sa “poker” ay pangiti-ngiti lang, ayon pa sa source, dahil ang kanilang bosing umano na isang SB member na malapit sa puso ni Rosario, Cavite Mayor Nonong Ricafrente ay may galamay na nagpaparating tuwing Huwebes kay Cavite PD Col. John Bulalacao at kay Region 4-A Director C/Supt. James Melad.

Paano ba ‘yan, sir, inaasinta na ng mga bata ni Sec. Mar Roxas ‘yang pasugalan dyan sa lugar ni Mayor Ricafrente! Itigil na kasi!!!!!!!

-o0o-

HINDI lamang sinibak ang 16 na nurse ng Taguig-Pateros District Hospital na nag-like sa isang “post” sa facebook na nagbubulgar sa mga pagkukulang ng nasabing ospital.

Maging ang kanilang payak na kahilingan na kung maaari ay bigyan na lamang sila ng Certificate of Employment ay talagang hindi pinagbigyan ni Taguig Mayor Lani Cayetano.

Ang mga COE ay gagamitin sana ng mga pobreng nurse para makapaghanap ng ibang trabaho, pero talagang malupit si Mayor Cayetano, ang asawa ni re-electionist Sen. Allan Peter Cayetano.

Mayor, nang tinanggal mo sila dahil lang sa kanilang “pag-like” ay alam mo talaga na wala na silang hanapbuhay. Tapos kahit man lang COE ay ayaw mong ibigay?

Talaga bang papatayin na sa gutom ang mga taong ito?

Tsk, tsk, tsk, hindi natin masisisi ang nurses na ito at marami pang taga-Taguig kung tuluyan na nga nilang isinuka ang mga Cayetano!

Kung ngayong panahon ng election ay hindi sila makitaan ng habag…kailan kaya?

Dapat na ngang ibasura!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking programang  “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply