Sugal sa Qmart, salot sa TMO at talyer na Brgy. Hall

BIBIGYAN naman po natin ngayon ng pagkakataon ang ating mga mambabasa na ilahad ang kanilang mga nalalaman, paniniwala, paninindigan, sumbong at marami pang iba.

INA HINAHANAP

Good pm po, sir. Puwede po bang ipanawagan si Thereseta Rosendo? Kasi  30 years nang hindi ko nakikita. Ina ko po siya. Taga-Pangasinan po ako. Gusto ko siyang makita. Si Virgilio Camacho po ako. Salamat po. 09471859705

PUNA NG OFW

Ako po ay isang ordinaryong tao lamang na nagbabayad ng buwis kada sahod ko. at ako’y walang kinikilingan pero ako’y sumusuporta sa bayan kong Pilipinas at sa buong mamamayan. Unfair ang ginagawa ng gobyerno na ibinubutaktak ng media sa telebisyon at radio. Kung anoman ang naging kasalanan ni GMA ay dapat nang ipausig sa batas, at ‘yan ang tama. Pero ang nakikita natin, parang personal na ginigipit nila ang dating Pangulo nang paulit ulit. Pero ang kamalian ni PNoy at ng kanyang mga kaalyado ay binabalewala nila. Tulad ng kaso ni ex-Gob. Grace Padaca na graft and corruption at mismong si PNOY ang nagbayad ng piyansa ni Padaca na 70 thousand pesos. Ang pagbigay ni PNOY ng tig -P5 milyon sa MILF at ABB, ang pagpapahiram ni PNOY ng billion dollars ng Pilipinas sa mayamang bansa ng Europa samantalang naghihikahos na ang mga Pinoy sa kahirapan sa kakulangan ng trabaho at kabuhayan. OFW ng Canada. 0920823….

MGA INUTIL NA BRGY. OFFICIAL

Good pm po sa inyo. Sana po ay huwag ninyong pagsawaang kalampagin itong brgy. chairman ng 130 dito sa Tagaytay St. Caloocan.City na si Sony Amoyo at kanyang mga kagawad. Simpleng curfew ay ‘di maipatupad, ang mga inuman po rito ay hanggang umaga na nasa kalsada. Pati ang mga kabataan talamak sa shabu at marijuana.  Sana mag-resign na lang ang mga kumag na ito, ‘di naman kayang magpatupad ng tungkulin. More power sa inyong kolum. 0928253….

LIKE NG MGA DOKTOR, NURSE

‘DI ko alam kung anong utak meron ang Deped. Bakit magpapa-semestral break sila eh bungal-bungal naman. Imbes na makapupunta nang maaga sa probinsya na ‘di matatrapik sa Undas, eh, hindi ka na makaalis dahil may pasok ang mga bata ng Oktubre 29-31. Para lang siguro mapag-usapan sila. Bakit ganun? 0919875….

PERHUWISYONG BROWNOUT

Sir Benny, pakiresolba naman po ang problema namin dito sa Camarines Norte, bayan ng Jose Panganiban. Lagi na lang po kasing patay-sindi ang ilaw dito. Nakapiperhuwisyo na talaga sila. Kapag po pagdating sa bayaran, ang daming announcement pero magba-brownout nang hindi po nila sinasabi. Marami nang sumabog na kuntador at fuse dahil sa kagagawan nila. Huwag ninyo na lang pong  i-publish ang number ko. Salamat po. 0947660….

SUGAL SA QMART

Sir Benny, irereklamo ko lang po ang colorgame rito sa loob ng QMART MARKET. Ang lakas ng sugal dito, walang ginagawa ang mga pulis kasi  pera lang ang katapat  nila. Pulis kasi ang humahawak dito. Nauubos ang pera ng mga tao rito. Sana po maaksyunan. Salamat po. 0930658….

JAGUAR SA ALLIED BANK

Sir Benny. Good pm. Ako po’y isang guard ng Gamilla Securty na pag-aari ni Vilma Gamilla sa Kamuning, Quezon City. Problema po ‘yung suweldo namin lahat dito sa Allied Bank. Lahat ay diretso kay Arcile Uy or Inday ang palayaw. Siya po ang nagpapautang sa lahat ng guard dito. Kaya tuloy, mga ang mga kasama ko rito ay nababaon sa utang dahil bago namin makuha ang suweldo namin, bawas na po kay Arcile Uy. ‘Di po ba bawal ito? Matagal na po ito. Sana  matulungan po ninyo kami. ‘Di ko na inilagay ang name ko baka pag-initan ako. Sir, maraming salamat po sa pagbasa ninyo sa text ko.  Ito po ang number ng office ng Gamilla – 9230446 at 230446.

ABUSADO SA MEYCAUAYAN

Sir Benny, dito po sa Meycauayan, Bulacan napakaraming abusado. Marami na po silang napapatay. Ang problema hindi naman alam ang tunay nilang pangalan at apelyido. Baka po puwedeng tulungan ninyo kami na makarating ito sa pederasyon ng mga taga-Mindanao.  Salamat po. Huwag n’yo pong ilagay ang number ko. 0908…….

SALOT SA TMO SA VALENZUELA

May tatlong itlog na salot na protektor ng colorum na Tamaraw FX sa tollgate ng Valenzuela. Si alyas ret. Major  Linda na may buwanang kinokolekta sa terminal at ‘yung dalawang bisor na si  alyas Mario Kurap at Lorsano Vios na lingguhan kung kumolekta sa terminal ng mga kolorum. Sila po ang mga salot sa Departamento ng Traffic Management Office ng Valenzuela City.  0932284….

MATAGAL NA VOTER’S ID

Gaano po ba katagal ang proseso ng paggawa ng voter’s ID. Bakit po ba sobrang tagal nilang magbigay ng voters ID? Halos 12 years na po akong naghihintay sa ID ko! Ang ibinigay lang po sa akin, eh, voter’s certification!  0909554….

BRGY. HALL TALYER NA

I-report ko lang na ang brgy. hall namin dito sa Brgy. 133 Zone 11 ng Balut, Tondo ay ginawa na pong talyer ng aming chairman na si Ronie Pogi. Doon nakakabit ang welding machine. 0923465….

PUNA KAY PNOY

Ang inyong editorial kamakailan ay nagpapatotoo sa sinabi ko sa inyo tungkol sa ka$*&@ at ka%#&* ng pinuno na puro pagpapahirap sa mga Filipino ang dulot.  Aywan kung bakit ganu’n na lang ang paghanga ninyo sa ganyang tao.  0927748….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply