Sugal sa Quezon City at “Superman” ng Bilibid

“SUPER” kung tawagin sa Bilibid ang Superintendent o hepe ng Maximum Security, na ngayo’y sa katauhan ni Supt. Ramon Reyes.

Ayon sa ating source, si Supt. Reyes ay tinatawag na ngayon na “superman” dahil sa kanyang agarang aksyon laban sa “balukol” na empleyado na nakilalang si PG2 Sabado.

Noong Huwebes ay “bi-nurdahan” natin si PG2 Sa-bado dahil sa matinding pam-babalukol nito sa mga preso at dalaw sa Maximum.

Nang mabasa ni Supt. Reyes ang ating kolum, agad nitong pinaimbestigahan ang gawain ni Sabado.

Resulta, bago lumubog ang araw noon mismong Huwebes ay nag-alsa-balutan ang balukol na empleyado!

Ganyan, parekoy, kabilis ang hakbang nitong si Supt. Reyes ng Maximum  Security.

Hindi tayo sanay pumuri ng mga opisyal ng ating gobyerno.

Pero sa ganito kabilis na aksyon kontra sa mga kabalbalan ay wala tayong magagawa, parekoy, kundi sumang-ayon na karapat-dapat ngang bansagan itong si Supt. Ramon Reyes na “superman.”

Sa ipinakita mo, Supt. Re-yes, mapagtatanto na desidido kang linisin ang mga tiwaling empleyado sa Bilibid.

Dahil d’yan, saludo ako sa iyo “superman” Supt. Reyes!!!

-o0o-

JUST in case, hindi pa alam ni QCPD  Director C/Supt. Mario dela Vega na dalawang linggo nang rumaratsada ang sugal sa mismong “tungki” niya, narito sir ang detalye para hindi ka naman mabukulan.

Mismong ang driver ni “papa meyor” na si Allan Villegas ang pumapel sa mga kabo ng “jueteng” para mabuo ang tambalan nina Hermie, Madam No-ra, Jun Puke at Don Ramon.

Ang namamahala naman sa  operation  ay  sina Tonton Lee at Waldy mula Quezon.

Kung hindi mo pa ito alam  Gen. Dela Vega, ipasilip mo sir kung sino ang tumanggap ng “envelop” na para sa iyo.

Dahil ayon sa ating impor-mante, bago nagsimula itong “jueteng” sa Quezon City ay may alokasyon para sa DD.

Pakibilisan lang sir dahil balita ko ay ipinasisilip na rin ito ngayon ni NCRPO chief, Leonardo Espina!

‘Yan ang masakit sir, kung nabukulan ka na eh, madadale ka pa ng “one strike policy”!!!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply