Sugarol na driver, kalaboso sa tinangay na taxi

SA kulungan bumagsak ang isang lalaki matapos nitong hindi isuli sa operator ang kanyang minamanehong taxi sa Maynila kaninang madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Eric Pabalan, nasa edad na 44  anyos.

Sa report, nabatid na narekober ang minamanehong taxi ni Pabalan sa isang sugalan sa may Taft Avenue panulukan ng U.N Avenue sa Ermita, Maynila.

Ayon sa operator na si Romeo Giron, 3 araw na umanogn hindi iginagarahe ng suspek ang kanyang taxi kaya naman nakipag-ugnayan ito sa Caloocan police na siya namang nakipag-koordinate din sa iba pang himpilan ng pulisya.

Sa operasyon, namataan ang taxi  sa nasabing lugar.

Nabatid na pang-limang operator na umano si Giron na nabiktima ng suspek matapos na malulong ito sa sugal at hindi nito inireremit ang kanyang boundary bukod pa sa hindi pagsauli ng minamanehong taxi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply