Sumabog sa Recto, Manila ‘di bomba – MPD

NILINAW ng Manila Police District na hindi bomba ang sumabog sa istasyon ng LRT station sa Claro M. Recto sa Maynila kanina na nagdulot ng panic sa mga tao.

Nabatid na dinetonate lamang ng bomb disposal unit ang mga kahina-hinalang kahon sa nasabing lugar.

Sa panayam sa radyo kay MPD director, Chief Superintendent Alejandro Gutierrez, sinabi nito na nakatanggap ng tawag ang MPD na may kahina-hinalang mga kahon sa lugar.

Ani Gutierrez, agad na rumesponde ang bomb squad sa lugar at nadiskubre na mga bubog lamang ang laman ng mga kahon.

Wala namang naiulat na nasaktan sa pangyayari at normal na ulit ang sitwasyon sa LRT station.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply