Summit ng MNLF vs framework agreement umarangkada na

MAGSASAGAWA ngayong araw ng summit ang Moro National Liberation Front (MNLF) para batikusin ang nilagdaang Bangsamoro framework agreement sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at pamahalaan ng Pilipinas.

Ayon kay MNLF Chairman Nur Misurari, isang milyong miyembro ng MNLF ang dadalo sa summit para pag-usapan ang framework agreement na gaganapin sa Davao City.

Iginiit ni Misuari na irrelevant o walang kabuluhan ang kasunduan at hindi dapat direktang nakialam si Malaysian Prime Minister Najib Razak sa negosasyon.

Sa kabila nito, handa naman ang MNLF na makipagdayalogo sa gobyerno para sa kapayapaan sa Mindanao.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply