Sunog sumiklab sa Kyusi, daang bahay naabo

HINDI kukulangin sa daang kabahayan ng informal settlers ang nilamon ng apoy makaraang sumiklab ang sunog sa Brgy. Sangandaan sa Quezon City ngayong hapon.

Ayon kay QC Fire Marshall F/Sr. Supt. Bobby Baruelo, umabot ng hanggang ikalimang alarma ang sunog na  nagsimula pasado alas 2:49 ng hapon sa bahay  ng isang Jay Manginay na nasa #72 Insurance extension , Brgy. Sangandaan QC.

Ani Baruelo, yari lamang sa light materials ang mga istruktura ng kabahayan sa lugar kung kaya mabilis na kumalat ang apoy na pilit pa ring inaapula habang sinusulat ang balitang ito.

Wala pa namang iniuulat na nasaktan o nasawi sa nangyayaring sunog.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply