Surigao del Norte 7 beses nilindol

NILINDOL ng may pitong beses ang  isang bahagi ng Surigao del Norte ngayong umaga.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), unang nilindol ang bayan ng Burgos, Surigao del Norte ng may magnitude 4.1 bandang alas-6:20 ng umaga, sumunod ang magnitude 4.8 na pagyanig ng umaga.

Matapos ang 10 minuto ay naramdaman ang magnitude 5.3 na lindol  habang mangnitude 4.5 na lindol ang naitala bandang alas-10:35 ng umaga.

Bandang alas-10:43 naman ng umaga nang maitala ang pagyanig na magnitude 5.5 na  sinundan ng isa pang magnitude 4.9 lindol.

Huling naitala ang mahinang pagyanig na may  magnitude 3.5 bandang alas-11:37 ng umaga.

Wala namang napaulat na sugatan o pinsala sa insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply