Surigao, inuga ng 5.2 magnitude na lindol

INUGA ng magnitude 5.2 na lindol kagabi Oktubre 27 ang ilang bahagi ng Surigao del Norte.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang  pagyanig ganap na ika-11:46 kagabi.

Natukoy ang epicenter sa 104 kilometro sa hilagang silangan ng Burgos, Surigao del Norte.

May lalim ang pagyanig na 30 kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Bago naitala ang naturang pagyanig, may mahihinang lindol na ring nai-tala ang Phivolcs sa paligid ng bayan ng Burgos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply