Survey: Babaeng manginginom mas marami kaysa lalaki

MAS mataas ang bilang ng mga babaeng umiinom ng alak kumpara sa mga lalaki. Ito ang lumabas sa survey ng Veritas Truth Survey (VTS).

Sa naturang survey, nabatid na 52 porsiyento ng mga babae ay manginginom kumpara sa mga lalaki na 48%.

Napag-alaman din na majority ng alcoholic beverage drinkers ay nasa edad mula 19 hanggang 25 taong gulang na sumasaklaw sa 25.55%. Sinundan ito ng mga nasa edad 29 hanggang 35 (14.38%). Pinakabata naman sa manginginom ay 13-anyos.

Sa kabuuan, naitalas ng VTS na 66% ng mga Pinoy ay beer drinkers.

Kapuna-puna rin na 57% ng mga may-asawa na ang mahilig uminom kumpara sa mga single na 43%.

Mas marami naman, o 41% ng mga sumusuweldo ng mula P5,000 hanggang P14,999 ang mas madalas uminom kumpara sa mga sumasahod nang mula P15,000 hanggang P24,999 na 26% lamang.

Sa tatlong alcoholic beverage, nangunguna ang San Miguel, ikalawa ang Red Horse at pangatlo ang Tanduay.

Ginawa ng VTS ang survery dahil sa ginaganap ngayong Octoberfest sa 85 Archdioceses at Dioceses sa 17 rehiyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply