Suspek sa pagpatay sa bodyguard ni Pacman sumuko na

SUMUKO na sa pulisya ang umano’y responsable sa pagpaslang sa police bodyguard ni Rep. Manny Pacquiao sa General Santos City kaninang umaga.

Nabatid na pasado alas-6:00 ng umaga nang magpasundo ang suspek na si Earn Guindolman, 27, ng Agan Phase B, San Isidro sa GenSan, at Rowena Cabaniogay sa ilang reporters ng radyo kasama si Apopong Barangay Captain Ruel Pacquaio, kapatid ni Pacman na nagsilbing escort si SP02 Rex Diongon, chief investigator ng Makar police station  sa Surigao del Norte.

Sinasabing karelasyon umano ni Rowena ang biktima na si SP03 Rey Edradan, na siya namang naging ugat ng pag-aaway nila ng suspek na si Guindolman na dating tauhan ni Kapitan Ruel.

Ayon sa ina ng suspek na si Gng. Minerva Guindolman, walang planong magtago sa mga pulis ang kanyang anak na pinili munang pumunta sa isang kamag-anak na pulis sa Surigao upang humingi ng tulong kung ano ang nararapat na gawin.

Matatandaang napabalitang  pumunta si Edradan, 42, may-asawa, sa bahay ni Rowena sa Doña Soledad, Barangay Labangal sa lungsod pasado alas-11:00 nitong nakalipas na Sabado ng gabi.

Binugbog umano ni Edradan ang dating live-in partner ni Rowena nang magpang-abot sila sa bahay ng babae ngunit lingid sa kaalaman ng biktima ay may dalang kutsilyo ang suspek   na ginamit sa pananaksak sa kanya.

Nabatid pa na hindi dala ni Edradan ang kanyang dalawang baril kung saan nakita lamang ito sa loob ng kanyang kotse.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply