Suweldo at benepisyo ng mga huwes, tiniyak

TINIYAK ni Chief Justice Maria Lourdes P. Aranal-Sereno na walang magaganap na pagbabawas sa suweldo at mga benepisyo na tinatanggap ng mga huwes.

Ito ang sinabi ni Sereno sa may 500 huwes na dumalo sa Philippine Justice Association convention sa Bacolod City na may tema na “Upholding and Strengthening Judicial Independence”.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Sereno na pabibilisin ang pagpoproseso sa mga benepisyo ng mga magreretirong hukom.

Nais, aniya, na matiyak na makalalasap ng magandang buhay ng mga judge sa sandaling bumaba na sa kanilang mga trabaho.

Kaugnay nito, umani ng masigabong palakpakan at standing ovation mula sa mahigit na 500 judges.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply