Swimmer na parak todas sa lunod sa Kyusi

NALUNOD  ang isang  swimmer  na pulis  Quezon City  habang nagsu-swimming pool sa Quezon City kahapon  ng hapon, Oktubre 27.

Nalagutan ng hininga habang isinusugod sa J.P. Sioson Hospital si PO2 Joseph Ilano, 36, nakatalaga sa District Police Human Resources Department (DPHRDO)  sa QCPD at residente sa #41-G Russel St., SSS village , Concepcion Marikina City.

Ayon sa naantalang ulat ni  SPO4 Leonardo Pasco , Chief Investigator ng Criminal Investigation and  Detection Unit ng QCPD, naganap  ang insidente  dakong  4:45 ng hapon nitong Oktubre 26, 2012 sa swimming pool sa Club house ng St. Charbel Executive village sa kahabaan ng Mindanao Avenue, Brgy. Tandang Sora, Q.C.

Inalis na ng QCPD  ang anggulong foul-play sa pagkalunod ni PO2 Ilano dahil kumbinsido sila at maging ang pamilya ng biktima matapos nilang mapanood sa CCTV video ang tunay na kaganapan sa pagkalunod ng biktima.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, lumitaw na nagkayayaang mag-swimming ang pitong pulis kasama ng biktima matapos ang araw ng kanilang physical fitness test.

Ani Pasco, nagkakarerahan sa paglangoy ang biktima kasama ang dalawa pang pulis na sina PO2 Jeffrey Pabalan at PO2 Warlito Cagurungan nang biglang maglaho sa tubig ang biktima.

Ani  SPO4 Pasco, si Ilano aniya ay isang magaling na swimmer.

Hinala  ng awtoridad  na maaaring  pinulikat  ang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply