Swiss national sinuwag, kinaladkad ng trak, tigbak

NAGKALASOG-LASOG ang katawan ng isang Swiss national nang suwagin at kaladkarin ng trak ng basura habang nakasakay sa kanyang motorsiklo sa Camarines Norte kaninang umaga.

Naisugod pa sa Santissima Trinidad Hospital ang biktima na si Heinz Bulhmann, 62-anyos, residente ng Panil Drive, Purok 1, Barangay Camambugan, Daet, Camarines Norte ngunit namatay din dahil sa tinamong kapansanan sa ulot at katawan.

Sa ulat na nakarating sa Camp Carme, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa diversion road, Maharlika Highway sa harapan ng Daet Intergrated Terminal (Pentagon), Barangay Camambugan, Daet, Camarines Norte.

Nabatid na sakay ang biktima sa kanyang Yamaha big bike at tinatahak ang national highway nang bigla itong kumaliwa sa kalsada at hindi napansin ang parating na trak ng basura na minamaneho ni Obet Savilla.

Bukod sa malakas na pagkakasalpok, nakaladkad pa ng 90 piye ang motorsiklo ng biktima bago pa nakapagpreno si Savilla.

Agad namang sumuko si Savilla sa pulisya at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide at damage to property.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply