Tacurong City nabulabog ng malakas na pagsabog

INUGA ng isang malakas na pagsabog ang Tacurong City sa Sultan Kudarat province Huwebes ng umaga.

Sa kabutihang palad, wala namang namatay o nasaktan sa insidente dahil wala pang naglalakad na mga tao sa lugar sapagkat maaga pa nang maganap ang pagsabog.

Nilinaw din agad ni Tacurong City police chief P/Supt. Gilberto Tuzon na walang nasirang mga bagay dahil ‘very minimal’ lamang ang naturang pagsabog at bilang pagpapatunay ay maliit na uka lamang ang nilikha ng pagsabog.

Blangko pa ang pulisya sa kung sino ang nagkasa ng pagpapasabog at nilinaw din agad na ang insidente ay hindi kagagawan ng mga terorista.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-7:15 ng umaga, may 30 metro ang lapit sa isang sangay ng Land Bank of the Philippines (LBP).

Nagkasa na ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operations (SOCO) and Explosives and Ordnance Division (EOD) para malaman kung anong klase ng bomba ang pinasabog.

Gayunman, sinabi ni Tuzon na bago mag-alas-9:00 ng umaga sa Tacurong ay bumalik na sa normal ang kondisyon.

Sa kabilang dako, maaring hindi nakuha sa closed-circuit television camera ang pagkakasa ng bomba dahil limitado lamang ito para sa parking space ng mga kliyente ng naturang bangko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply