Tagumpay sa ika-9th leg ng Slalom Racing

NAPANALUHAN muli ni Dr. Peewee Mendiola ng Big Chill Racing Team ang Overall and Rear-wheel Production Best of The day sa kakatapos lamang na 9th Leg ng Shell Helix National Slalom Series na ginanap sa Robinson’s Nova Market parking lot.

Umoras si Dr. Peewee ng 51.94 seconds samantala si Milo Rivera ng FERN C Racing Team ay humantong sa 2nd place at may oras na 52.22 seconds. Pangatlo naman ang teammate at tito ni Milo, na si Noel Rivera na may oras na 53.18 seconds.

Nasa 4th place naman si Peque Alacbay ng Team Soleil na may oras na 54.30 seconds at ang pang-5th place naman ay nakuha ni Pathrick Bautista ng DKC Racing Team sa oras na 54.60 seconds. Nakuha din ni Pathrick ang Front Wheel Overall Best time of the day at nasungkit naman ni Estefano Rivera ng FERN C team ang Novice category sa oras na 55.30 seconds.

Ang event na ito ay nilahukan ng iba’t ibang car club gaya ng Team Big Chill, FERN C, Auto Fastion, Kapampangan Racing Team, Tarlac Auto Group, Wholesome Concepts of Baguio City, Cabanatuan Auto club, Speedstar, GR-1 Race Pampanga, at Blanche Racing Team.

Ang mga karerang ito ay may pahintulot ng AAP at FIA, ang mga nangangasiwa ng motorsports sa Pilipinas. Nais pasalamatan ng Race Motorsports Club ang kanilang mga sponsor na walang sawang sumusuporta sa kanila. Maraming salamat sa Shell Helix Motor Oils, Federal Tyres, Outlast Battery, Dubshop/Silverwind Magwheels, Starbright Body Kits, Auto Transporter at Media Partners, Stoplight TV, Wheel to Wheel magazaine an insert of C! Magazine, Power Wheels Magazine, Kotse.com, AutoIndustriya.com, Pinoy Speed sa mga Pahayagan, Robinsons Malls at Robinsons Nova Market.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply