Taiwanese nilaslas ang leeg, todas

LASLAS ang leeg, may palo sa ulo at patay na nang makita ang isang Taiwanese sa loob ng kanilang bodega sa Caloocan City kaninang umaga.

Nakilala ang biktima na si Andy Wang, 28, stay-in manager ng Weldynamic Technology Trading sa Macabagdal St., Biglang Awa ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga nang makitang nakahandusay ang biktima sa warehouse ng nasabing kumpanya ng kaanak na si Anna Wei.

Lumalabas na laslas ang leeg ng biktima at may palo ng matigas na bagay ang ulo.

Nawawala rin ang cellphone ng biktima kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino ang salarin sa pagpatay sa biktima.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply