Tallest pine trees sa Baguio, bawal nang gawing Christmas tree

IPINAGBABAWAL nang gawing Christmas tree ang pinakamataas na Norfolk pine tree o pine tree sa Lower Session Road, sa Baguio City.

Ito’y matapos malaman ng mga eksperto na masyado nang matanda ang nasabing puno kaya mas mainam kung alagaaan na lamang ito para mas tumagal pa ang buhay.

Dahil dito, sinabi ni Coun. Elmer Datuin ng commttee on tourism ng Baguio City Council, abala ngayon ang lokal na gobyerno ng Baguio na maghanap ng alternatibong puno na maaaring lagyan ng palamuti para sa nalalapit na Pasko.

Magugunitang matagal nang tinututulan ng mga environmentalists ang paglalagay ng samu’t saring mga Christmas lights sa nasabing norfolk pine dahil makadaragdag lamang ito sa pagkasira ng puno.

Gayunpaman, kahit buwan pa lamang ng Oktubre ay nilalagyan na ng iba’t ibang mga Christmas decor ang mahigit 100 taong gulang na puno at magtatagal ito hanggang sa pagdiriwang naman ng taunang Panagbenga sa Pebrero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply