Tambalang John Llyod-Bea, magbabalik-telebisyon sa ‘A Beautiful Affair’

MULING paiibigin nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang sambayanan sa inaabangang romantic teleserye na A Beautiful Affair na magsisimula na sa Oktubre 29 sa ABS-CBN Primetime Bida.

Bilang isang engrandeng handog sa pagdiriwang ng ikasampung anibersaryo ng pinakamatagumpay na loveteam ng kanilang henerasyon, muling magtatambal sina John Lloyd at Bea kasama ang premyadong aktor na si John Estrada sa kanyang pinakamalaking role sa isang drama project sa telebisyon.

Sundan ang kwento ng pag-ibig sa pagitan ng tatlong taong susuungin ang isang malaking pagsubok sa kanilang relasyon: Alin ba ang mas matibay na pundasyon — ang tapat na pagsasama o ang tunay na pagmamahal?

Unang magkakilala ang arkitektong si Leon (John Lloyd) at ang herederang si Gen (Bea) sa Austria at agad na mahuhulog ang loob nila sa isa’t isa para takasan ang dala-dala nilang kasawian – si Leon mula sa kalungkutan ng pagkamatay ng kanyang kinagisnang ina, at si Gen sa pait ng pagtataksil ng dating karelasyon.

Doo’y lilibutin nila ang Vienna at Salzburg at pilit na paghihilumin ang mga sugatang puso. Ngunit sa kabila ng hindi maitatangging pagtitinginan ng dalawa ay magdedesisyon silang maghiwalay ng landas at ayusin ang kani -kanilang buhay bago umibig muli.

Muling pagtatagpuin ang kanilang landas makalipas ng isang taon ngunit mapag-aalaman ni Leon na kasintahan na ni Gen ang matagumpay na negosyanteng si Edward (John Estrada), ang taong tumulong sa kanya mula pagkabata at nagsanay para maabot ang pangarap na maging arkitekto.

Paano tatanggapin ni Edward pag nalaman niyang may naging ugnayan sa nakaraan si Gen kay Leon? Sino ang tala- gang pipiliin ni Gen sa dalawa? Alin naman ang magiging mas matimbang para kay Leon – ang pag-ibig niya kay Gen na sa tingin niya’y makakapagbigay sa kanya ng tunay na kaligayahan o ang katapatan niya kay Edward dala ng utang na loob?

Maituturing na isang “full–circle project” ang A Beautiful Affair dahil sa muling pagsasama ng mga taong bumuo sa tambalang John Lloyd-Bea sa kanilang unang Kapamilya teleserye, ang top-rating na Kay Tagal Kang Hinintay – ang business unit head na si Laurenti Dyogi na dating direktor ng naturang serye, at ang direktor na si Katrina Flores na rati’y nagsilbing headwriter nito.

Binubuo rin ang cast ng A Beautiful Affair ng mahuhusay na artistang sina Dimples Romana, John Arcilla, Jaime Fabregas, Maritoni Fernandez, Ana Roces, Janus del Prado, at Megan Young kasama sina Jim Paredes at PBB Unlimited Big Winner Slater Young sa kanilang kauna-unahang teleserye.

Abangan ang pagsisimula ng kwento ng A Beautiful Affair sa ABS-CBN Primetime Bida ngayong Oktubre 29.

***

Napaka-generous pumuri at selfless ni Toni Gonzaga!

GUEST last Sunday ang eskalera talaga ang beauty na si Andi Eigenmann sa portion ni Toni Gonzaga sa The Buzz at napahanga talaga kami ng esekolang daughter ni Mommy Pinty dahil napaka-straightforward niya at honest talaga.

Walang kiyemeng pinuri niya ang movie nina Andi at Anne Curtis dahil box-office hit raw talaga ito.

Kung napaiba-iba siguro ay di sasabihin ‘yun pero wala ngang insecurity si Toni dahil alam naman niyang super blockbuster rin ang movie nila nina Luis Manzao at Vice Ganda na humahataw pa rin as of presstime.

Dapat lang!

***

Ayaw sa mga chicks sa show business!

TATAHI-TAHIMIK lang ang young actor na ‘to pero eskalera pala ang lovelife nito sa isang out of showbiz belle.

Na-sight kasi ng ating deep penetration agent ang mukhang daks na young actor (he’s chinky-eyed and balbon… ..Hahahahahaha!) na kasama ang kanyang mama na walang masyadong glamor pero mukhang matalino naman sa Baclaran church at tahimik silang nagsisimba.

Mukhang preferred niya ang tahimik na relasyon kaya deadma siya sa naggagandahang showbiz belle na naghihintay lang namang kulitin niya at bibigay na. Hahahahahahaha!

Inasmuch as click naman sila ng kanyang Pintadang co-star, purely platonic lang palang talaga ang nangyari sa kanila.

Kahit ang mga vaklung na lagi na’y nakatutok sa kanyang bulging crotch ay mukhang hindi makae-ending sa ating young actor dahil loyal siya sa kanyang syobaers na mama. Hahahaha!

***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.coam
and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply