Tambay nadamay, patay sa shootout sa QC

BUMULAGTA sa kalsada ang isang istambay habang sugatan naman ang isang pulis nang magbarilan ang mga awtoridad at mga miyembro ng isang criminal gang sa Quezon City, Martes ng hapon (Oktubre 30).

Sinabi ni Quezon City Police District Station 10 head, Senior Superintendent Marcelino Pedrozo Jr.,  may naipit sa insidente at namatay na hindi pa nakuha ang pangalan.

Ayon pa kay Pedrozo, nagkasa na sila ng follow-up operation laban sa nasabing gang.

“Pito silang nakipagbarilan sa pulis natin. Ang isang pulis tinamaan sa hita at likod,” pahayag ni Pedrozo.

Gayunman, sinabi ni Pedrozo na may nahuli silang dalawa na miyembro ng gang pero hindi nito pinangalanan at sinabi na ang gang ay sangkot sa armed robberies at drug trade sa lugar.

Naganap ang shootoout dakong alas-4:30 nitong Martes ng hapon malapit sa NIA Road, sa Barangay Central sa Quezon City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply