Tañada, tiwalang lulusot ang FOI

KUMPIYANSA si House Deputy Speaker Erin Tañada na lulusot ang Freedom of Information bill kapag nailatag ito sa plenaryo at magkaroon ng botohan.

Ayon kay Tañada, pangunahing may-akda ng panukala na meron ng 119 na kongresista ang at meron pa aniyang gusting humabol.

”I am confident na lulusot sa committee level. No one will say naman na he is against the Freedom of Information. Kung nanumpa ka as public official, pinanunumpaan na susunod sa saligang batas. Nakasaad yan sa saligang batas. May nagpaabot pa na kung meron pa ay hahabol sila para pumirma. So may groundswell talaga,” paliwanag ni Tañada.

Ang “word-war” sa pagitan nina Tañada at Eastern Samar Rep. Ben Evardone, chairman ng House Committee on Public Information ay mistulang lumalala dahil sa diumano’y patuloy na pag-upo ni Evardone sa FOI bill.

Kasabay nito, sinabi ni Tañada na tutol siyang isama sa FOI ang Right of Reply (ROR) bill na siyang isinusulong ni Isabela Rep. Rodolfo Antonino.

“Kung magdedesisyon ang komite na isama na at pagbotohan sa comittee level at ang kung ang pasya ay isama ang ROR, tatanggapin ko. But I will register my negative vote basta pagbotohan na.”

Malaki ang paniwala ni Tañada na paglabag sa  freedom of the press ang ROR dahil iyong “editorial privilege of press” ay nawawala kung kaya isinulong ng kongresista na magkaroon ng hiwalay na panukalang ROR.

“May naririnig akong pahayag ni Ben Evardone na i-matrix pa para ipaliwanag sa mga miyembro. Para sa akin, wala lang akong maisip na salita pero insulto ito.”

Maging ang nais isingit ni Camiguin Rep. Pedro Romualdo na sakupin ng FOI ang mga pribadong korporasyon ay tinutulan ni Tañada dahil ito ay labag, aniya, sa Konstitusyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply