Tandem nakipagratratan sa mga sekyu, todas

TODAS ang dalawang hinihinalang holdaper na nakasakay sa isang motorsiklo nang makipagratratan sa mga guwardiya sa Pasay City.

Sa ulat sa radyo ngayong hapon, hinoldap ng mga napatay na suspek ang isang babae sa Park Avenue kaya rumesponde ang mga guwardiya sa lugar na nauwi sa palitan ng putok ng magkabilang panig.

Isa sa mga suspek ay bumulagta sa Park Avenue habang ang isa ay napatay sa Roxas Boulevard, sa bahagi ng boundary ng Pasay at Parañaque.

Bukod sa motorsiklo (plakang UI 7663), nakarekober din ang mga awtoridad ng dalawang baril sa mga suspek.

Bibigyan naman ng komendasyon ang mga sekyu.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply