Tanggapin na lang na bigo ang ARMM – PNoy

IPINAHAYAG ni Pangulong Benigno Aquino III na dapat tanggapin ni Nur Misuari na bigo ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) experiment sa harap ng pagbabanta ni Misuari na mauuwi lamang sa kaguluhan ang framework agreement na pinasok ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ani PNoy, nabigo ang ARMM at nagbunga lamang ng mas malalang problema.

Pero wala aniyang dapat ipag-alala si Misuari dahil hindi naman maisantabi ang Moro National Liberation Front (MNLF).

Maliban sa MNLF factions, kasama rin sa Bangsamoro ang Lumads, mga Kristiyano at iba pang ethnic groups sa rehiyon.

Kasabay nito, ipinagmalaki naman ni PNoy ang magandang kompromiso sa pagitan ng MILF at gobyerno dahil hindi na kasama sa nais isama sa Bangsamoro ang Palawan dahil hindi ito kabilang kung ite-trace ang pinanggalingan ng kanilang mga ninuno.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply