Tanghaling tapat nangyari: Aktres na bida sa panghapong serye nagpachurva sa BF sa parking lot

NAGKAGULO kamakailan ang ilang drivers sa isang parking lot ng isang malaking istasyon. Para silang mga palakang natubigan n’ung mga oras na ‘yun. Ang dahilan, ang bidang aktres sa isang seryeng panghapon sa malaking network ay nagpachurva raw sa kanyang boyfriend.

Hindi man actual na nasilip ng mga barakong driver ang maputing aktres na may anak sa serye, kitang-kita naman nila ang pag-uga ng van na sinasakyan ng dalawa. Tanghaling tapat daw nangyari ang ‘paglindol’ ng naturang caru.

Ang pinagtataka lang ng mga tsismosong driver ay kung bakit hindi man lang daw sinilip ng tatay ng aktres ang kanyang dalaga gayung nasa parking area lang naman daw ito para sunduin ang kanyang anak. Pinabayaan lamang nitong luray-lurayin ang kanyang daughter ng mael nitong BF. Giatay!

***

Beteranang aktres biglang sinampal ang katrabaho sa isang serye nang walang dahilan

MANGIYAK-NGIYAK naman ang isang medyo bata pang komedyante sa isang seryeng panghapon din dahil sa biglang pagdapo nang malapad pero malambot na kamay ng beteranang aktres na kasamahan din niya sa naturang palabas.

Hindi siya makaganti dahil babae ito at iginagalang niya. Wala siyang maisip na posibleng dahilan kung bakit nagalit sa kanya ang aktres at bigla siyang sinampal nang malakas. Matatanggap daw sana ito ng huli kung sa isang eksena naganap iyon. Ang kaso mo, nagre-relax daw siya nun nang tampalin ng aktresa.

Ang sabi ng source natin, hindi raw yata nagustuhan ng aktres ang kakulitan at ang pagpapatawa ng komedyante. Hindi rin daw nito kursunada ang karakas ng kawawang binata.

Sus ginoo!

Parang addictus ang aktresa. Bigla na lang mananakit nang walang dahilan. Kaya pala siya nalaos, nag-asawa at nanirahan nang matagal sa Amerika.

Ang balita’y hiniwalayan na siya ng foreigner niyang mister kaya bumalik sa bansa at muling nagbalik showbiz.

Kilala ninyo siya. Tingnan n’yo lang ang kanyang senyal sa mukha. Toink! ‘Yun na!

***

Pokemon Theater Presents magsisimula na sa Lunes sa GMA7
 
SIMULA Lunes (October 22), mga bagong astig na bida ang haharap sa bagong adventures na papalit sa Pokemon, ang Pokemon Theater Presents sa GMA7.

Una nang matutunghayan ang Lucario and the Mystery of Mew na magsisimula sa bayan ng Lohta. Sa Lohta, isang piyesta ang ginaganap upang magbigay pugay sa Aaron the Wave Leader Hero na ayon sa alamat ay nagpatigil ng isang digmaan ilang taon na ang nakalipas sa pamamagitan ng paggamit ng kapangyarihang mula sa Tree of the World’s Origin. Kasama ni Aaron ang makapangyarihang Pokemon na si Lucario.

Sina Satoshi at Pikachu ay nanalo sa isang labanan at naging Wave Leader Hero. Isang engrandeng dance party ang gaganapin sa kastilyo nang biglang dumating si Pokemon Mew at dinakip si Pikachu. Habang gusto ni Satoshi na makuhang muli si Pikachu, nais din ni Lucario na makita ang kanyang dating master upang makapag-usap.

Bakit kaya dinakip ni Pokemon Mew si Pikachu? Ano ang tunay na katauhan ni Lucario?

Abangan ang mga kasagutan simula Lunes sa Pokemon Theater Presents pagkatapos ng Inu Yasha sa GMA Astig Authority block.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com. Mabalos!     

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply