Tanod hinoldap na, pinaslang pa

PATAY ang isang barangay tanod matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang pasahero sa pinapasadang tricycle sa Caloocan City kaninang madaling araw, Oktubre 18.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Gerry Urvino, 50, tanod at trike driver ng Talilong St., Maypajo ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-3:35 sakay ng biktima ang dalawang suspek at pagsapit sa A. Mabini St., ng lungsod ay sunod-sunod na putok ang narinig.

Nakita na lang ang mga suspek na tumatakbong papalayo at nang lapitan ang suspek ay patay na at may mga tama ng bala sa katawan.

Nawawala rin ang belt bag ng biktima na naglalaman ng hindi pa batid na halaga ng pera.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply