Taong grasa lasog sa 10 wheeler truck

NAKALASOG-LASOG ang katawan ng isang tinaguriang “taong grasa” nang masagasaan ng isang 10 wheeler truck sa Pasay City, sa ulat ng pulisya ngayon.

Patay na bago idating ang hindi pa kilalang biktima sa Pasay City General Hospital bunga ng pakakalasog ng katawan.

Sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Ricardo V. Tan ng Traffic Enforcement Unit (TEU) ng Pasay City Police, dakong 2:30 kapon ng hapon nang maganap ang insidente sa Edsa Extension (east bound) sa harapan ng Gold Line Terminal sa naturang lungsod.

Nabatid na habang minamaneho ng driver na si Mario Clay Bautista y Otanes, 28, binata ng Santiago Isabela, ang trailer truck (RFX-297) nang biglang tumawid sa kanang bahagi ang biktima at pilit sumampa sa isang duyan na nakalawit sa gilid ng truck na ginagawang pahingahan ng mga pahinante.

Huli na nang mapansin ng driver na nakasaga siya ng tao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply