Tapos na sa bread tripping!

MATIKAS pa rin ang tinuguriang King of Stunts ng local showbiz na si Senador Lito Lapid nu’ng makausap namin sa shoot ng Christmas station ID ng ABS-CBN. Nakasali si Sen. Lito dahil bida siya sa bagong pantaserye sa Kapamilya network, ang Little Champ.

Certified Kapamilya na kasi si Sen. Lito para sa kauna-unahan niyang TV show. Marami na raw offer sa kanya noon na gumawa ng TV show pero tinanggihan niya dahil priority niya ang paggawa ng pelikula that time.

“Ang ginagawa ko aksyon. Ayokong mag-drama kasi parang hindi bagay sa akin. Asiwa ako ganoon, mag-iiyak,” lahad ni Sen. Lapid.

Aminado naman siya na kinabahan siya sa unang sabak niya sa Little Champ. Last time kasi na umarte rin siya sa big screen ay noong 2006 para sa movie niya na Tatlong Baraha.

“Syempre titingnan pa ng utak ko kung kaya ko pa’ng mag-memorya. E, sabi ko sa director namin, putul-putulin na lang natin ‘yung ibang linya,” sabay tawa niya. Nagdalawang-isip din daw siya kung tatanggapin niya o hindi ang Little Champ.

“Pero kakwe-kwento, sabi ko parang bagay sa akin ‘to, subukan ko nga. Tapos subok ko lang ‘to. Baka sakali matanggap ulit ako ng mga fans ko,” tumawa ulit si Sen. Lapid.

Never raw niyang kinunsider ang talent fee na ibibigay sa kanya ng ABS-CBN sa pagtanggap sa role niya for Little Champ.

“Ay, hindi. Wala syempre. Kung ikukumpara mo ‘yung talent fee noong araw ‘tsaka ngayon, e, mas malaki noong araw. Kasi syempre solo action ka talaga, e. Ikaw lang ang bida. Rito marami kasi, e. ‘Tsaka mas magastos noong araw. E, ngayon teknolohiya na, napepeke na. E, noong araw kami talaga. Tapos ang babagsakan namin mga karton lang ng sigarilyo kapag tumalon kami.”

Sa kabila ng bagong journey niya sa kanyang showbiz career, gusto pa rin ni Sen. Lapid na makagawa ng pelikula gaya ng Indiana Jones na pinagbidahan ng international star na si Harrison Ford.

-ooOoo-

SUNUD-sunod ang imbitasyon na pinaunlakan ng King of Talk at The Buzz host na si Boy Abunda para magsalita sa mga paaralan, kumpanya at organisasyon tulad ng FEU, Ateneo Junior Marketing Association, La Salliaan Schools Press Conference, La Consolacion College-Bulacan, Nestle Philippines, Management Association of the Philippines, Philippine Marketing Association, United Nations Fund for Population Activites (UNFPA) at iba pa.

Kumuha si Kuya Boy ng Commission on Higher Education’s Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) para makapagtapos ng kanyang college degree. Sumunod ay agad niyang tinapos ang kanyang Masteral Degree in Communication at kasalukuyang abala sa kanyang Doctoral dissertation in Social Development sa PWU.

“Ayaw ko’ng magsalita ng tungkol sa economics o finance. Hindi ko alam ang pagkakaiba ng GDP (gross domestic product) at GNP (gross national product). Hindi ako isang ekonomista. Ako ay isang marketing man, isang PR man at isang host. Isa rin ako’ng fan, manager at tagasuporta ng LGBT community. Entertainment, marketing, branding-dahil ako ay isang PR man at into social development dahil ito ay may kinalaman sa aking PhD. Doon umiikot ang aking mga topic,” pahayag ni Kuya Boy.

Ayon pa sa host, sa TV merong format, structure at expectations. Pero kahit sino pa ang kanyang audience, he finds public speaking both challenging and fun lalo na’t kapag hinihingan na siya ng kwento tungkol sa kanyang sariling karanasan sa buhay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply