Tara na sa Malaysia

MAPALAD tayo na maimbitahan na sumama sa maiden flight ng Zest Air sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ito ay sa imbitasyon ni Deo Jovellano, marketing services manager ng Zest Air, na magsama umano ako ng sampung top travel bloggers ng ating bansa.

Ito ay mula Oktubre 22-25, Lunes hanggang Huwebes.

Kasama ko ang ilan sa mga pinakasikat at pinakamaraming follower na sina Estan Cabigas (langyaw.com), Melo Villareal (outoftownblog. com), Angel Juarez (lakwatsero.com), Aleah Taboclaon (www.solitarywanderer.com), Lloyd Salac (www.thelostboylloyd.com), and Gael Hilotin (www.thepinaysolobackpacker.com).

Dapat sana ay kasama rin namin sina Ivan Henares, Brian Ong, David Guison at Camille Ong ngunit ‘di nagtugma ang aming mga sked.

Sa aming briefing nung Biyernes, sinuggest ni Melo na magsked din ng kami ng pagbisita ng mga blogger sa Marikina para ma-feature din daw nila ito.

Siguradong matutuwa ang aming batam-batang mayor na si Del R. De Guzman at ang tourism head ng Marikina na si Tet Atanacio-Curry.

Sinabi ko rin na bilang presidente ng Association of Information Officers in Metro Manila ay pwede rin namin itong gawin sa buong Metro Manila sa tulong ni Goddes Hope Oliveros at MMDA Chairman Francis Tolentino. Pati rin sa iba’t ibang bayan nito kasi naman napakaraming puwedeng pasyalan dito sa Metro Manila na hindi alam ng ordinaryong Pilipino. Gusto mo ba yon, kaka?

Ano, Ahna Mejia? Si Ahna kasi kay PIO at Tourism Officer ng Valenzuela City — sabay!

Let’s do it? Lloyd Palconan, Grace Cortes, Genevieve, Jayne, Jun & Rommel … sabihan n’yo na mga mayor ninyo na magho-host kayo ng travel bloggers, okay?

Mabalik tayo sa Malaysia — ang mga blogger ay lilibot sa iba’t ibang probinsya ng Malaysia para i-explore ang budget travel o murang paraan ng pagpapasyal dito at ikuwento naman ito sa inyo para sa ganun may travel tips na kayo.

Dagdag pa rito, hindi na kayo mahihirapang magplano ng biyahe papunta rito sa Malaysia – Truly Asia!

Kung ang Pilipinas ay nasa 4 million tourist arrivals last year, ang Malaysia ay nasa 26 million!

Kaya’t marami tayong matututunan sa Malaysia pagdating sa turismo at tourism promotions.

Lalo na’t kung may tulong galing sa aming gracious hosts na sina Tourism Attache Masrina Mohd Bakri at Zuhaira Abas ng Tourism Malaysia at sina AVP Business

Development Vanessa Caceres at Diane Encabo ng Zest Air.

Tara na, sa Malaysia!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply