Tarpaulin sa Manila North Cemetery bawal

IPINAGBABAWAL ng pamunuan ng Manila North Cemetery ang pagkakabit ng mga politiko ng kanilang mga banners o tarpaulin sa loob ng sementeryo.

Ang paalala ay ginawa ni Ed Noriega, Officer-in-charge sa Manila North cemetery, upang maiwasan na mahaluan ng pamumulitika ang Undas.

Ang Manila North Cemetery ang pinakamalaking pampublikong sementeryo na dinadagsa ng maraming tao tuwing Undas at dahil dito, posible umanong samantalahin ng mga politiko na magkabit ng mga tarpaulin bilang bahagi ng maagang pangangampanya.

Mahigpit ring nagpaalala si Noriega sa publiko na sumunod sa inilatag nilang panuntunan upang hindi na maabala.

Ilan sa mga bawal dalhin sa loob ng sementeryo ay baraha, alak, at matatalim na bagay.

Nauna rito, nakiusap rin si Comelec Chairman Sixto Brillantes sa mga pulitiko na huwag ‘umepal’ sa panahon ng Undas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply