Task Force Kaluluwa ng MPD kasado na

KASADO na ang Task Force Kaluluwa na inilatag ng Manila Police District (MPD) upang magbigay seguridad sa paggunita sa Undas.

Sa ilalim ng Task Force Kaluluwa, ay may anim na task group (TG). Kabilang dito ang TG North na pangangasiwaan ng Station 3, TG South ng Station 6, TG Laloma ng Station 7, TG Chinese ng Station 11, TG Daloy na mangangasiwa sa trapiko at TG Masid na tututok sa intelligence gathering.

Sinabi ngayon ni MPD Director Chief Supt. Alex Gutierrez na magtatayo sila ng command post sa kanto ng Aurora Boulevard at Dimasalang, maliban pa sa paglalagay ng mga public assitance center sa mga sementeryo.

Bukod sa may 2,000 pulis ng Maynila, magpapakalat din ng ilang tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO), mga barangay tanod at iba pang force multiplier sa mga pangunahing daan, sementeryo, bus terminal at iba pang pampublikong lugar na dadagsain ng mga tao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply